Ayon sa pinakahuling balita na iniulat ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi sa kaniyang Facebook page ngayong Miyerkules, Hulyo 1, 2020, umabot na sa 111 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lungsod matapos magkaroon ng 32 panibagong kaso ng COVID-19 dito.

“Sa tala ng ating Imus CESU, ang Imus ay mayroong 111 confirmed cases at 35 dito ay active cases.” ani Maliksi.

Ayon sa alkalde, ang biglaang pag-angat umano ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ay dahilan ng maramihang COVID-19 testing. “Ang biglaang pagtaas ng bilang ng mga kompirmadong kaso ay resulta ng maramihang Covid-19 testing na nagsimula noong mabuksan ang ating City of Imus Molecular Laboratory.” paliwanag ni Maliksi.

“Ito ang tunay na sitwasyong medikal na ating kinakaharap sa ngayon. Karamihan sa mga nagpositibo ay asymptomatic o walang sintomas ng COVID-19. Nangangahulugan ito na maaaring nakakasama, nakakausap at nakakatabi natin ang mga ito, at kung tayo ay hindi maingat at protektado maaari tayong mahawaan.” ayon din dito.

“Nauunawaan din natin ang kalagayan ng bawat Imuseño at ang unti-unting pagluluwag sa mga restriksyon ng Community Quarantine ay upang maibsan ang pangangailangang pangkabuhayan ng lahat.” dagdag pa nito.

Gayunpaman, nilinaw din ni Maliksi na hindi ito nangangahulugan na tapos na ang laban sa COVID-19 kung kaya’t pinaalalahanan pa rin nito ang bawat isa na sumunod sa patakaran. “Ganoon pa man, hindi ito nangangahulugan na tapos na ang ating laban sa Covid-19. Tandaan na ito ay wala pang lunas, walang bakuna at nananatili sa ating komunidad kung kaya’t ang lahat ay patuloy na mag-ingat sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask, physical distancing, pananatili sa loob ng tahanan, tamang paghuhugas ng kamay at respiratory hygiene.” ani Maliksi.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 111 kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Imus, Cavite kung saan 35 ang active cases, 65 ang gumaling na at 11 naman ang nasawi.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.