Inanunsyo ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang Facebook page ang pagkasawi ng 3 pasyente ng COVID-19 sa bayan ngayong Agosto 26, 2020. “Isang nakakalungkot na balita po ang ating natanggap mula sa Kawit Rural Health Unit (RHU). Tatlong Kawiteño po ang binawian ng buhay dulot ng COVID-19, sina Patient 130, 139, at 150.” malungkot na balita nito.
Ayon sa inilabas na impormasyon ng pamahalaan ng Kawit, narito ang detalye ng mga pasyenteng nasawi:
Patient #130 – isang 71 taong gulang na babae mula sa Brgy. Manggahan-Lawin
Patient #139 – 63 taong gulang na babae mula Barangay Tabon 1
Patient #150 – 70 taong gulang na lalaki na nakatira sa Barangay Tabon 1
“Kasama ang RHU at buong Kawit LGU, ipinaparating po namin ang aming pakikiramay sa kanilang mga pamilya at mga kaibigan.” ani Aguinaldo
“Hindi po biro ang epekto ng COVID-19, lalo na sa ating mga kababayang may edad na. Kaya’t patuloy po ang aking pakikiusap sa lahat na masunod ang ating minimum health protocols. Gawin po natin ito para sa ating mga lolo’t lola, at para rin sa lahat ng ating mga mahal sa buhay.” paalala ng alkalde.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 132 kabuuang kaso ng COVID-19 sa Kawit, Cavite kung saan 55 dito ang active cases, 13 ang nasawi at 90 nman ang mga gumaling na.
Cavite COVID-19 Tracker
Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
Other Stories
TRENDING: Maaari Nga Bang Kumita sa LYKA APP sa Pamamagitan ng Like at Follow?
Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement Ang Lyka app ay isang social media...
Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Cavite, Muling Binabantayan
Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement Umabot na sa 194 COVID positive...
Nagkakahalagang 10M na Droga Nasabat, 3 Nigerian Nationals, Timbog sa Cavite!
Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement Timbog, ang tatlong Nigerian...
Disabled na Lola, patay! Matapos Gahasain, sa Bohol
Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement Ginahasa at di nagtagal ay binawian...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.