Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Nakapagtala ng 3 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Indang ngayong araw ng Biyernes, Hulyo 31, 2020 ayon sa anunsyo ng pamahalaang lokal sa kanilang Facebook page.

Ang mga pasyente ay kinilalang sina:

Patient #43 – 63 taong gulang na lalaki na nakatira sa Barangay Poblacion 3. Isa itong Retired Government Personnel. Kasalukuyan itong nakakaramdam ng sintomas at naka-home quarantine.

Patient #44 – 22 taong gulang na babae na residente ng Barangay Alulod. Nagtatrabaho bilang isang factory worker. Kasalukuyang nasa LGU Isolation Facility at walang anumang sintomas na nararamdaman.

Patient #45 – 23 taong gulang na lalaki mula s aBarangay Banaba Lejos. Isa itong Factory worker at kasalukuyang nasa Isolation Facility ng bayan. Wala naman itong nararamdamang anumang sintomas.

Sa kabuuan, mayroon nang 45 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Indang kung saan 36 ang active cases, 8 ang gumaling na at 1 naman ang nasawi.

Ayon naman sa pamahalaang lokal, patuloy nilang isinasagawa ang mga wastong hakbang upang makaiwas sa mas pagkalat pa ng sakit sa bayan. “Nagsasagawa na po ng mga kaukulang protocol tulad ng contact tracing ang ating Rural Health Unit, katuwang ang ating mga Barangay Captains at mga Officials sa mga nasabing barangay na mahigpit ang isinasagawang monitoring at pagbabantay upang maagapan ang naturang sitwasyon.” pahayag nila.

“Umasa po kayo na ang ating Pamahalaang Bayan ay tinitiyak ang kaligtasan at kahandaan ng ating bayan sa gitna ng ating patuloy na laban sa banta na dala ng sakit na COVID19.” dagdag nila.

Paalala naman ng lokal na pamahalaan, patuloy na sumunod sa health protocols upang maprotektahan ang sarili mula sa banta ng COVID-19. “Muli po ang ating pakiusap na sumunod sa lahat ng umiiral na patakaran na ipinatutupad at mas paigtingin ang ibayong pag-iingat higit lalo sa unti-unting pagbalik ng ilang aktibidad sa ating pamayanan na maaaring magdulot ng panganib dulot ng sakit na COVID19.” paalala nila sa publiko.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.