Inanunsyo ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang Facebook page ang pagkasawi ng 2 pasyente ng COVID-19 sa bayan ngayong Agosto 7, 2020. “Isang nakakalungkot na balita po ang natanggap natin mula sa Kawit Rural Health Unit (RHU). Dalawang Kawitenyo po ang binawian ng buhay dulot ng COVID-19. Sila po sina Patient 49 at Patient 70.” malungkot na balita nito.

Ayon sa inilabas na impormasyon ng pamahalaan ng Kawit, narito ang detalye ng mga pasyenteng nasawi:

Patient #49 – 59 taong gulang na lalaki mula sa Barangay Toclong.
Patient #70 – 58 anyos na babae na residente ng Barangay Tabon 1.

Iniabot naman ni Aguinaldo ang kaniyang pakikiramay sa mga pamilyang naulila. “Kasama ang buong Kawit LGU, ipiniparating namin ang aming pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ng dalawang yumaong pasyente.” pahayag nito.

“Sila po ang 5th at 6th COVID-19-related death sa ating bayan. Sa ating pagtanggap ng balitang ito, huwag po tayong panghihinaan nang loob. Ituloy lang po natin ang pagsunod sa ating minimum health protocols, nang sa gayon ay mailayo natin ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay mula sa virus na ito.” ayon din dito.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 72 kabuuang kaso ng COVID-19 sa Kawit, Cavite kung saan 30 dito ang active cases, 6 ang nasawi at 36 nman ang mga gumaling na.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

CHED, Face to Face Classes para sa Engineering at IT

Ang sunod na batch ng magkakaroon ng face to face na klase ay pinaplano na ng CHED lalo na ang mga kursong kailangan ng hands on na aktibidad tulad ng Engineering, Information Technology, Industrial Technology at Maritime. Pinag-aaralan na ito ng CHED o Commission on...

Alimango Kapalit ng Serbisyo ng Abogado

Kumalat sa social media ang post ni Atty. Noel Allan Bose kung saan ikinuwento niya kung bakit siya may hawak na bugkos ng mga alimango sa labas ng court room. Kuwento ni Atty. Bose, matapos ang isang hearing ay nakiusap ang kaniyang kliyente kung puwede ay mga nahuli...

Libreng Konsulta at Vitamins sa Kawit

Patuloy ang arangkada ng Doktor Sa Barangay project! nitong Hunyo 18, 2021, Huwebes, inihatid naman ito sa kanilang mga kababayang Kawiteño sa Rockwell Classic Homes kasama si Dra. Claudette Pulido. Ito rin ay para maibsan ang hinaharap ng ating mga healthcare...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.