Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Malungkot na ibinalita ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang Facebook page ang pagkakaroon ng 11 panibagong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Kawit ngayong Lunes, Agosto 3, 2020.

“Ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyo na muling nadagdagan ng 11 ang ating positive cases ng COVID-19. Kinikalala po natin sila bilang sina Patient 52 hanggang 62.” ayon sa alkalde.

Ang mga nagpositibong pasyente sa COVID-19 ay kinilalang sina:

Patient #52 – 67 taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Kaingen. Kasalukuyan itong naka-admit sa Kawit Isolation Facility.
Patient #53 – 44 taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Samala-Marquez. Kasalukuyang naka-admit sa isang pribadong ospital sa Quezon City.
Patient #54 – 27 taong gulang na lalaki na nakatira sa Brgy. San Sebastian. Ito ay naka-admit sa Kawit Isolation Facility.
Patient #55 – 50 taong gulang na babae na residente ng Brgy. Sta Isabel. Kasalukuyan itong naka-admit sa Kawit Isolation Facility.
Patient #56 – 22 taong gulang na babae mula sa Brgy. Sta Isabel. Ito ay naka-admit sa Kawit Isolation Facility.

Patient #57 – 27 taong gulang na babae na nakatira sa Brgy. Sta. Isabel. Ito ay naka-isolate sa Kawit Isolation Facility.
Patient #58 – 25 taong gulang na babae mula sa Brgy. San Sebastian. Kasalukuyan itong naka-strict home quarantine.
Patient #59 – 61 taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Kaingen. Kasalukuyan itong naka-confine sa isang pribadong ospital sa Cavite.
Patient #60 – 34 taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Manggahan-Lawin. Ito ay naka-isolate sa Kawit Isolation Facility.
Patient #61 – 69 taong gulang na lalaki na nakatira sa Brgy. Samala-Marquez. Kasalukuyan itong naka-confine sa isang pribadong ospital sa Makati.
Patient #62 – 66 taong gulang na babae na residente ng Brgy. Samala-Marquez. Kasalukuyan itong naka-confine sa isang pribadong ospital sa Makati.

Paalala ng alkalde, patuloy na mag-ingat dahil wala pang gamot o bakuna ang COVID-19. “Sa pagdating ng 11 na bagong kaso ng COVID-19, nasa 36 na po ang ating mga active cases. Habang ginagawa po natin ang lahat upang masiguro ang kanilang pag-galing, hiling ko din po ang pakikipagtulungan niyo na bumagal ang pagkalat ng sakit na ito sa ating bayan. Muli, WALANG LUNAS ANG SAKIT NA ITO.” ani Aguinaldo.
 
“Ngunit ito’y kayang maiwasan sa pagsunod sa ating mga minimum health protocols. Mag-suot ng face mask, mag-social distancing, at umiwas sa mga mass gathering. Please lang, HUWAG NANG MAGPASAWAY. Kayang-kaya nating mapagtagumpayan ang krisis na ito.” dagdag nito.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 62 kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng Kawit kung saan 36 dito ang active cases.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.