9 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan ng General Mariano Alvarez sa Cavite ngayong Lunes, Agosto 10, 2020.

Ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing bayan ay nanggaling sa mga sumusunod na barangay:

Patient 192 – Brgy. Memije
Patient 193 – Brgy. F. De Castro (Mandarin)
Patient 194 – Brgy. F. De Castro (Monteverde)
Patient 195 – Brgy. Virata
Patient 196 – Brgy. G. De Jesus
Patient 197 – Brgy. Virata
Patient 198 – Brgy. Poblacion 5 (GMA Village)
Patient 199 – Brgy. Maderan
Patient 200 – Brgy. Maderan
Patient 201 – Brgy. Maderan

Isinasagawa naman umano ng pamahalaang bayan ang mga wastong hakbang katulad ng contact tracing. “Kasalukuyan na pong isinasagawa ang contact tracing ng ating health monitoring team at sila ay under strict quarantine protocol.” pahayag nila.

“Ang pamahalaang bayan din ay magbibigay ng tulong sa mga apektadong pamilya.” dagdag nito.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang pagpapaalala ng pamahalaan sa publiko na sundin ang patakaran. “Patuloy po tayong manalangin para sa kanilang agarang pag-galing. Mag-ingat din po ang lahat sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask at pagmaintain ng physical distancing.” ayon sa pamahalaan.

Sa kabuuan, mayroon nang 210 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa General Mariano Alvarez kung saan 98 ang active cases, 106 ang gumaling na at 6 naman ang mga nasawi.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.