Ayon sa pinakahuling balita na inilabas ng pamahalaang lungsod ng Tagaytay, 4 na bagong positibong kaso ng COVID-19 ang naitala sa lungsod ngayong Sabado, Hulyo 25, 2020. Ang mga pasyente ay kinilalang sina Patient #26, Patient #27, Patient #28, at Patient #29. 

Si Patient #26 ay 10 buwang gulang na sanggol na lalaki. Ito ay mula sa Barangay Francisco. Samantala, si Patient #27 naman ay isang 29 taong gulang na babae, isang household helper at residente ng Barangay Francisco. Si Patient #26 at Patient #27 ay parehong close contact ni Patient #19 at Patient #20. Sila ngayon ay kasalukuyang walang mga sintomas at nakaquarantine sa kanilang tahanan na minomonitor ng BHERT ng Barangay Francisco.

Si Patient #28 naman ay isang 63 taong gulang na babae. Isa itong church worker at residente ng Barangay San Jose. 32 taong gulang na babae naman si Patient #29. Isa itong Researcher at nakatira sa Barangay San Jose. Ang dalawang pasyenteng ito ay close contact umano ni Patient #21. “Sila ay may history of travel sa NCR. Agarang isinailalim ang mga ito sa swab test at home quarantine at ngayon ay lumabas ang resulta na sila ay positibo din sa COVID-19. Dahil sa hindi na naayon ang kanilang lugar sa pagquarantine, inilipat sila sa quarantine facility ng lungsod at minomonitor ng ating COVID-19 medical team.” ayon sa pamahalaang lungsod.

Sa kabuuan, mayroon nang 29 kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Tagaytay kung saan 22 ang active cases at 7 naman ang gumaling na.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.