Isang positibong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan ng Noveleta, Cavite ngayong araw ng Linggo, Hunyo 28, 2020 ayon kay Noveleta Mayor Dino Chua.

Ang pasyente ay kinilalang si Patient No.10. Ayon sa alkalde, si Patient #10 ay kamag-anak din ni Patient No.8 at Patient No.9 at magkakasama sa isang bahay.

Si Patient #10 ay isang 20 taong gulang na lalaki mula sa Brgy. San Rafael III at kasalukuyang naka-admit sa Noveleta MedCare Center kasama si Patient No.8 at No.9.

Samantala, binanggit din ng alkalde ang pagkakaroon ng isa pang kaso ng nagpositibo sa COVID-19 swab test na residente ng Noveleta. Gayunpaman, hindi umano mapapabilang ang nasabing pasyente sa datos ng bayan ng Noveleta sapagkat matagal na itong nakakulong sa Cavite City Jail hanggang sa kasalukuyan.

“…isang Taga-Noveleta din po ang nag-POSITIVE sa Swab Test ngunit hindi po siya mapapabilang sa ating numero dahil siya po ay matagal ng nakakulong sa CAVITE CITY JAIL hanggang sa kasalukuyan.” ani Chua.

Paalala naman ni Mayor Chua sa publiko na palaging mag-ingat at magdasal para sa kaligtasan ng bawat isa.

“Patuloy po tayong mag-ingat at magdasal para sa kaligtasan ng lahat. Sa panahon ng GCQ, tanging Disiplina lang talaga ang mabisang sandata laban sa Covid19.” ayon dito.

Samantala, wala pang nailalabas na opisyal na pahayag ang lokal na pamahalaan ng Cavite City tungkol sa nasabing kaso ng COVID-19 sa city jail ng nasabing bayan.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.