Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Inanunsyo ni Naic Mayor Jun Dualan sa kaniyang official Facebook page ang pagkakaroon ng 1 panibagong kaso ng COVID-19 sa bayan nitong Martes, Agosto 25, 2020. Ito ang ika-92 na kumpirmadong kaso ng nasabing sakit mula sa Naic, Cavite.

“Mahal kong Naicqueños, mayroon po tayong isang (1) bagong kaso ng Covid-19 sa ating bayan.” ani Dualan.

“Para po sa kaalaman ng lahat, ang nagpositive po ay si Patient #92 isang babae, 52 years old at taga Brgy. Munting Mapino. Under isolation.” ayon sa alkalde ng bayan.

Kasalukuyan umanong isinasagawa ng Rural Health Unit ang mga wastong hakbang upang malaman ang mga nakasalamuha ng pasyente at maiwasan ang posibilidad na mas kumalat pa ang sakit. “Ang ating RHU ay nagsasagawa na ng contact tracing para maischedule for swab testing ang mga naging close contacts ng mga nagpositibo.” aniya.

“Pakiusap po huwag po nating idiscriminate ang pasyente at ang kanilang pamilya. Hindi po ito makakatulong. Hindi nila kagustuhan ang nangyari sa kanila. Ipagdasal na lamang po natin ang kanilang madaliang paggaling.” pakiusap ni Dualan sa publiko.

Samantala, nakapagtala rin ng 7 paggaling ang bayan ng Naic ngayong araw. 

Sa 92 kabuuang kaso ng COVID-19 sa bayan ng Naic, 63 dito ang gumaling na, 3 ang mga nasawi at 26 naman ang active cases. 

Paalala naman ng pamahalaang bayan, patuloy na sumunod sa mga health protocol. “Stay at home Naicqueños. Huwag ipagwalang bahala ang virus na ito. Please wear masks properly (natatakpan ang ilong at bibig) and observe proper social distancing.” ayon dito.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.