Photo credits to: Bloomberg

Ayon sa health officials ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) mapupuno na ang mga treatment centers sa loob ng 2 linggo kung magpapatuloy pa rin ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Ngunit sa halip na manawagan para sa “break” at maghigpit sa pagbubukas ng ekonomiya, mas mainam daw na dagdagan na lamang ang mga isolation at monitoring units sa lalawigan ng Cavite, ayon sa Cavite health officer.

Bukas naman din umano si Nelson Soriano para sa kahit anong “reinforcement” ng healthcare workers na manggagaling mula sa ibang mga rehiyon dahil ang mga doktor gayundin ang mga frontliners ay nagpapalitan ng kanilang schedule sa pagseserbisyo para sa 14-day hospital duty upang labanan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Ayon naman kay Laguna Health Chief Rene Bagamasbad, ilan sa mga problema ng kanilang probinsya ay ang kakulangan ng quarantine centers na inaasahang mas magiging malala pa ang sitwasyon sa oras na gawin ng DOH na isolation hubs ang mga pampublikong paaralan.

Sa pinakahuling balita ng Philippine Information Agency (CALABARZON) nitong Agosto 7, mayroon nang 9,165 kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon kung saan 1,816 dito ang mula sa Cavite, 3,617 sa Laguna, 1,328 sa Batangas, 1,931 sa Rizal at 473 naman sa Quezon.

Sa 9,165 kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong CALABARZON, 3,245 dito ang gumaling na, 332 ang mga nasawi at 5,588 naman ang active cases.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Lalawigan ng Cavite, Balik ECQ Simula Marso 29, 2021!

Ayon kay Governor Jonvic Remulla, balik ECQ ang buong lalawigan ng Cavite simula Marso 28 hanggang Abril 4, 2021. "Just talked to SPOX Harry Roque. Cavite along with other areas will be under ECQ from Sunday, March 28-April 4, 2021." ani Remulla. "I will report...

5-Anyos na Bata Mula Cavite, Pinagsasaksak ng Bisita!

Dalawang saksak sa katawan ang inabot ng isang 5-anyos na bata na nakatira sa lalawigan ng Cavite. Natamo umano ng biktima ang saksak mula sa kanilang bisita na pinagtangkaang halayin ang ina ng bata.Ayon sa balita ng GMA Public Affairs, pinatuloy lamang daw ang...

Inuman at KTV, BAWAL sa Cavite Ngayong GCQ!

Ngayong sasailalim muli ang lalawigan ng Cavite sa General Community Quarantine o GCQ, inanunsyo ni Governor Jonvic Remulla ang pagbabawal ng mga party o inuman ng magbabarkada. Ito ay ayon sa kaniyang Facebook post ngayong linggo ng gabi, Marso 21, 2021."Bawal ang...

Cavite, Isasailalim Muli sa General Community Quarantine!

Ang buong lalawigan ng Cavite ay sasailalim sa GCQ o General Community Quarantine simula Marso 22 hanggang Abril 4, 2021. Ito ay ayon sa Resolution No. 104 na inilabas ng Inter-Agency Task Force nitong Marso 20, 2021.Samantala, wala pang inilalabas na quarantine...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.