Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang pansamantalang pagsasailalim ng Zapote Market sa lockdown na magsisimula alas-10 ng umaga ngayong Martes, Agosto 11 hanggang Agosto 18, 2020.

Paliwanag ng pamahalaan, isasailalim sa lockdown ang palengke sa kadahilanang mayroong mga manininda at security marshalls na nagpositibo sa COVID-19 dito matapos isagawa ang mass testing nitong Agosto 7. “Ang Bacoor City Public Market o mas kilala sa tawag na Zapote Market ay pansamantalang isasara simula bukas August 11 hanggang August 18 matapos na malaman ng Pamahalaang Lungsod na mayroong mga manininda at security marshalls ang nag-positibo sa ginawang mass testing noong August 7.” ayon sa kanilang post.

Panawagan naman ng lungsod sa mga nagtungo sa Zapote Market nitong Agosto 5-10 na bantayan ang kanilang kalusugan. “Panawagan sa mga Bacooreño na nagpunta sa Zapote Market noong August 5-10 na bantayan ang inyong kalusugan. ” ayon sa lungsod.

“Kung sakali mang mayroon kayong sintomas, agad na makipag-ugnayan sa inyong mga Barangay Health Emergency Response Teams sa inyong mga barangay.” dagdag na paalala nito.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 945 kabuuang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Bacoor kung saan 435 dito ang active cases, 465 ang gumaling na at 45 naman ang mga nasawi.

 

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Lalawigan ng Cavite, Balik ECQ Simula Marso 29, 2021!

Ayon kay Governor Jonvic Remulla, balik ECQ ang buong lalawigan ng Cavite simula Marso 28 hanggang Abril 4, 2021. "Just talked to SPOX Harry Roque. Cavite along with other areas will be under ECQ from Sunday, March 28-April 4, 2021." ani Remulla. "I will report...

5-Anyos na Bata Mula Cavite, Pinagsasaksak ng Bisita!

Dalawang saksak sa katawan ang inabot ng isang 5-anyos na bata na nakatira sa lalawigan ng Cavite. Natamo umano ng biktima ang saksak mula sa kanilang bisita na pinagtangkaang halayin ang ina ng bata.Ayon sa balita ng GMA Public Affairs, pinatuloy lamang daw ang...

Inuman at KTV, BAWAL sa Cavite Ngayong GCQ!

Ngayong sasailalim muli ang lalawigan ng Cavite sa General Community Quarantine o GCQ, inanunsyo ni Governor Jonvic Remulla ang pagbabawal ng mga party o inuman ng magbabarkada. Ito ay ayon sa kaniyang Facebook post ngayong linggo ng gabi, Marso 21, 2021."Bawal ang...

Cavite, Isasailalim Muli sa General Community Quarantine!

Ang buong lalawigan ng Cavite ay sasailalim sa GCQ o General Community Quarantine simula Marso 22 hanggang Abril 4, 2021. Ito ay ayon sa Resolution No. 104 na inilabas ng Inter-Agency Task Force nitong Marso 20, 2021.Samantala, wala pang inilalabas na quarantine...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.